Sign in

ABS-CBN Fact Check

@abscbnfactcheck.bsky.social
1.6K followers 9 following 453 posts

Independent fact-checking by @news.abs-cbn.com. Help us fight disinformation. Send us dubious claims: factcheck@abs-cbn.com or bit.ly/abscbnfactcheck

PostsRepliesMedia
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 24/09/2026
Taliwas sa kumakalat online, hindi totoong nakabalik na sa Senado si Senator Rodante Marcoleta upang makilahok sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Ang totoo, nananatili pa rin siyang nakadetine dahil sa kasong plunder. @news.abs-cbn.com
110
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 18/09/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: MISLEADING Pinutol ang video ng paliwanag ni dating Chief Justice Reynato Puno tungkol sa kaniyang opinyon kung dapat bang 16 na senador ang kailangan upang mahatulan ang isang akusado sa impeachment trial. @news.abs-cbn.com
100
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 09/09/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Walang educational assistance sa ilalim ng UPLIFT Assistance at cash subsidy para sa mga may national ID. Ayon sa DSWD, walang registration para sa programa dahil tukoy na ang mga datos na pagbabasehan ng listahan ng mga benepisyaryo. @news.abs-cbn.com
100
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 02/09/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Binago ang mga pangalan ng mag-amang Matugas sa isang art card ng ABS-CBN News at pinalitan ng mga pangalan ng mag-asawang Barbers. Tungkol ang ulat sa pagrekomenda ng kaso kaugnay ng road project sa Surigao del Norte. @news.abs-cbn.com
100
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 27/08/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: MISLEADING Maling iniuugnay sa kasalukuyang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ang noo’y pahayag ni Akbayan Rep. Chel Diokno tungkol sa mga Pilipinong pabor na humarap sa paglilitis si Duterte. @news.abs-cbn.com
110
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 19/08/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: MISLEADING Hindi totoong “pinauwi” ang testigong si Marivic Pareja sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte dahil walang saysay ang kanyang testimonya. @news.abs-cbn.com
110
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 14/08/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: MISLEADING   Bagama’t totoo na pansamantalang nakalaya si dating Senator Bong Revilla matapos makapagpiyansa, hindi ito nangangahulugang naibasura na ang mga kaso laban sa kaniya o napawalang-sala na siya.   @news.abs-cbn.com
100
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 06/08/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Hindi totoong ililibing sa Libingan ng mga Bayani ang vlogger na si Mima Alicia, at pinabulaanan ni Cagayan de Oro 1st District Rep. Lordan Suan na isinusulong niya ang pagpapalibing sa vlogger sa nasabing himlayan. @news.abs-cbn.com
100
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 28/07/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: MISLEADING As of 6PM, July 28, 2026, umabot na sa 4.3M views at 17.5K shares ang ibinahagi ni Sen. Pia Cayetano na spliced video ng paliwanag ni Akbayan Rep. Chel Diokno. Sa naturang video, naiba ang kahulugan ng pahayag ni Diokno. @news.abs-cbn.com
100
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 24/07/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: MISLEADING   Walang dagdag na gastos ang Senado sa impeachment trial ni VP Sara Duterte. Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, pareho lamang ang ginagastos ng Senado kada araw bilang impeachment court at sa mga regular na sesyon.   @news.abs-cbn.com
110
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 16/07/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: MISLEADING   Hindi sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na ipakukulong niya si Sen. Alan Peter Cayetano dahil sa umano’y anomalya sa 2019 SEA Games infrastructure projects. Inanunsyo lamang ni Matibag ang pagsisimula ng imbestigasyon. @news.abs-cbn.com
100
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 08/07/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE   Hindi totoong ibinasura ng Ombudsman ang umano’y kaso laban kay Leyte Rep. Martin Romualdez. Wala pang kasong naihahain sa kaniya at patuloy pang iniimbestigahan ang kaniyang umano’y kaugnayan sa maanomalyang flood control projects.   @news.abs-cbn.com
110
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 03/07/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE   Mula sa Trillion Peso March na ginanap noong 2025 ang larawang kumakalat online at hindi mula sa rally ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo, o INC, noong July 1, 2026, taliwas sa isang post sa social media.   @news.abs-cbn.com
110
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 26/06/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Walang inilabas na art card ang ABS‑CBN News kaugnay sa umano’y pahayag ni Rep. Lordan Suan tungkol sa Tacloban shooting noong June 22, 2026. Mariin itong itinanggi ni Suan at iginiit na wala siyang inilabas na anumang pahayag. @news.abs-cbn.com
120
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 16/06/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE   Taliwas sa kumakalat online, hindi inanunsiyo ng Department of Education ang pagtanggal ng Grade 11 at Grade 12 simula July 2026. Pinabulaanan na ng ahensiya ang mga naturang post.   @news.abs-cbn.com
100
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 10/06/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE    Hindi kuha sa magnitude 7.8 na lindol noong June 8, 2026 ang ilang video na kumakalat online. Ang mga ito ay kuha sa Davao Oriental at Thailand noong 2025 na maling iniuugnay sa kamakailang pagyanig.    @news.abs-cbn.com
100
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 02/06/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Walang sinabi si ICC Judge Joanna Korner na hindi dapat makulong si ex-Pres. Rodrigo Duterte dahil walang hurisdiksyon ang ICC sa bansa. Sa katunayan, noong May 27, 2026, inanunsyo ang petsa ng pagsisimula ng paglilitis kay Duterte. @news.abs-cbn.com
121
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 29/05/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: MISLEADING Hindi ipinanukala ang online voting para kay Sen. Leila de Lima sa Senate sessions habang siya ay nakadetine. Iba ito sa panukala ni Sen. Rodante Marcoleta na payagan ang online voting. @news.abs-cbn.com
131
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 21/05/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Wala pang itinatalagang chairperson ng Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform ang Senado matapos ang reorganisasyon dahil sa pagpapalit ng liderato. Sa ngayon, May 21, 2026, ay wala pang anunsyo tungkol dito. @news.abs-cbn.com
110
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 14/05/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Hindi sinabi ni Sen. Sotto na kahihiyan ang pagpapapalit sa kanya bilang Senate President. Ang pahayag na “nakakahiya sa taong bayan” ay tugon niya ukol sa posibilidad na hindi matuloy ang impeachment trial laban kay VP Duterte. @news.abs-cbn.com
100
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 06/05/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE   Hindi namigay ng libreng air conditioner ang DSWD sa mga benepisyaryo ng 4Ps, taliwas sa kumakalat online. Nilinaw ng ahensiya na ang programa ay nakatuon lamang sa tulong pinansyal at hindi sa pamamahagi ng anumang kagamitan. @news.abs-cbn.com
100
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 01/05/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Hindi totoo ang mga larawan ni ABS-CBN News anchor Karen Davila na nakikipag-away kina Amando Tetangco Jr. at Benjamin Diokno na mga dating BSP Gov. Nilagyan ang mga ito ng ABS-CBN logo at ipinakalat bilang sponsored Facebook posts. @news.abs-cbn.com
022
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 01/05/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE   Hindi totoong nagka-alitan sina financial expert Randell Tiongson at Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP Gov. Eli Remolona Jr. sa ANC, taliwas sa ipinapakitang larawan sa isang sponsored Facebook post. Pinabulaanan na rin ito ng BSP. @news.abs-cbn.com
121
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 22/04/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE   Peke at AI-generated ang kumakalat na larawan ng diumano’y pag-aresto kay dating Ako-Bicol Partylist Rep. Zaldy Co sa Prague, Czech Republic. Wala ring inilabas na larawan ang gobyerno ng Pilipinas o Czech Republic kaugnay nito.   @news.abs-cbn.com
100
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 09/04/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Manipulado ang mga kumakalat na screenshot ng social media posts ng ABS-CBN News. Ipinalalabas ng mga ito na gumamit at nagmanipula ang ABS-CBN News ng mga lumang larawan nang iulat nito ang kalagayan ni President Ferdinand Marcos Jr. @news.abs-cbn.com
111
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 08/04/2026
Walang ulat ang ABS-CBN News tungkol sa isang investment platform na diumano’y ineendorso ni Pasig City Mayor Vico Sotto kung saan maaring kumita ng malaking halaga ng pera sa loob ng isang linggo. @news.abs-cbn.com
110
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 02/04/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Walang ulat ang TV Patrol na inudyukan diumano ni Pasig City Mayor Vico Sotto si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na magdeklara ng digmaan, taliwas sa sinasabi sa isang Facebook ad. Wala ring batayan na may naging ganitong pahayag si Sotto. @ABSCBNNews
110
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 02/04/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE    Walang inanunsyong “energy lockdown” sa Pilipinas dahil sa diumano’y kakulangan ng suplay ng kuryente sa bansa. Nauna na itong pinabulaanan ng Malacañang at sinabing walang nakikitang posibilidad na ipatupad ito sa bansa sa kasalukuyan.
100
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 26/03/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE     Itinanggi ni ABS-CBN News anchor Jeff Canoy ang kumakalat na diumano’y pahayag niya na sumusuporta at nananawagang iboto si Vice President Sara Duterte.    @news.abs-cbn.com
100
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 20/03/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE    Manipulado ang kumakalat na larawan na nagpapakitang iniulat ng TV Patrol na diumano’y espiya ng China si Vice President Sara Duterte. Walang ganitong ulat ang ABS-CBN News.    @news.abs-cbn.com
100
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 18/03/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: NO BASIS Walang opisyal na anunsyo tungkol sa diumano’y malawakang brownout sa bansa dahil mauubos na ang suplay ng petrolyo sa April 15, 2026. Nilinaw ng Department of Energy na may suplay pa ang bansa hanggang sa katapusan ng April. @news.abs-cbn.com
100
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 13/03/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Hindi ibinasura ang impeachment case ni Bise Presidente Sara Duterte sa Kamara. Sa katunayan, kasalukuyang hinihintay ang kanyang sagot sa dalawang kasong nakahain laban sa kanya bago magpatuloy ang pagtalakay sa mga ito. @news.abs-cbn.com
100
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 05/03/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Hindi totoong may class and work suspension sa Pilipinas dahil sa diumano’y pag-atake ng Iran. Clickbait ang mga post. Pinagsasamantalahan nito ang pag-aalala ng mga Pilipino dahil sa giyera sa West Asia, o kilala bilang Middle East. @news.abs-cbn.com
120
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 02/03/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Naging target ng mga kumalat na maling impormasyon ang ICC at mga kaanak at abogado ng EJK victims. Kumalat ang mga ito kasabay ng confirmation of charges hearing ni dating Pang. Rodrigo Duterte noong Peb. 23-27, 2026. @news.abs-cbn.com
100
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 25/02/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Minanipula ang kumakalat na larawan ng mga kaanak at taga-suporta ng mga biktima ng extrajudicial killings para palabasing may bitbit silang mamahaling bag habang nasa the Netherlands para sa hearing ni dating Pang. Rodrigo Duterte. @news.abs-cbn.com
110
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 16/02/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE   Ginamitan ng deepfake o artificial intelligence (AI), ang isang ulat ni ABS-CBN News Channel o ANC anchor Tony Velasquez tungkol sa diumano'y investment scheme na inilunsad ng businesswoman na si Teresita Sy-Coson. (1/6) @ABSCBNNews
100
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 09/02/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Minanipula ang bahagi ng video sa programang Oh, MD ni ABS-CBN News reporter Raphael Bosano upang pagmukhaing ineendorso ng pulmonologist na si Dr. Imelda Mateo ang isang produkto na diumano'y gamot para sa ubo at baga. (1/5) @news.abs-cbn.com
110
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 29/01/2026
Ginamitan ng articifial intelligence (AI) ang panayam ng ABS-CBN News Channel (ANC) kay Cebu Gov. Pamela Baricuatro para palabasing ineendorso niya ang umano’y investment scheme na magpapalago ng pera sa loob ng isang buwan. (1/5) @news.abs-cbn.com
100
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 21/01/2026
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Wala pang teknolohiyang makakatantiya kung kailan at saan tatama ang isang malakas na lindol, ani PHIVOLCS. Pinabulaanan nito ang kumakalat na post tungkol sa umano'y lindol na maaaring tumama sa Bicol, Batangas, Kidapawan, o Tagum. @news.abs-cbn.com
110
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 31/12/2025
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Taliwas sa sinasabi sa Facebook post, walang naging mainit na palitan ng mensahe sa pagitan ni billionaire Elon Musk at ABS-CBN News anchor Karen Davila tungkol kay Alex Eala sa social media platform na X noong December 28, 2025. @news.abs-cbn.com
120
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 08/12/2025
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Walang inilabas na ulat ang ABS-CBN News tungkol sa dumano’y bilyun-bilyong pamana ng yumaong si dating Senador Juan Ponce Enrile. @news.abs-cbn.com
110
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 11/11/2025
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE   Isa na namang bidyo ng TV Patrol ang minanipula gamit ang AI para pagmukhaing nag-uulat ito tungkol sa isang diumano’y investment scheme kung saan kikita ang mga tao ng malaki sa loob ng maikling panahon. ‘Di totoo ang ulat. (1/6) @news.abs-cbn.com
131
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 31/10/2025
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE   Noong Oct. 20, 2025, lumutang muli ang maling impormasyon na nakalaya na si dating Pang. Rodrigo Duterte mula sa kustodiya ng International Criminal Court. Hindi ito totoo. Sa ngayon, patuloy ang kaso niyang crimes against humanity. (1/4) @news.abs-cbn.com
110
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 30/10/2025
#ABSCBNFactCheck Rating: MISLEADING Ayon sa PHIVOLCS, hindi natural na pagputok ng bulkan ang ipinapakita sa isang TikTok video na iniuugnay sa pagputok ng Bulkang Taal noong Oktubre 26, 2025. Basahin dito ang buong ulat: www.abs-cbn.com/news/nation/... @news.abs-cbn.com
020
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 24/10/2025
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Hindi totoo na maglalabas ng payout ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa Unconditional Cash Transfer program. Ayon sa DSWD, tapos na ang pagpapatupad ng programa noong 2020. @news.abs-cbn.com
110
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 20/10/2025
#ABSCBNFactCheck Rating: MISLEADING Ang bidyong kumakalat sa social media ay kuha sa Trillion Peso March noong Sept. 21 at hindi sa protesta sa labas ng Forbes Park, Makati City noong Oct. 12. @news.abs-cbn.com
120
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 17/10/2025
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Hindi totoong itinalaga bilang bagong chairman ng Senate Blue Ribbon Committee si Sen. Lito Lapid, taliwas sa mga kumakalat na bidyo online. @news.abs-cbn.com
120
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 08/10/2025
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE Ginamitan ng artificial intelligence, o AI, ang video ni Sarah Discaya upang pagmukhaing sinabi niyang ginagamit silang panakip butas ng mga pulitiko sa maanomalyang flood control projects. @news.abs-cbn.com
110
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 06/10/2025
#SaTotooLang, hindi pa huli ang mag-aral para kina lolo at lola! Maaari silang makakuha ng scholarship, tulong pinansyal, at iba pang benepisyo para sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral. @news.abs-cbn.com #ElderlyFilipinoWeek #ABSCBNFactCheck
000
ABS-CBN Fact Check @abscbnfactcheck.bsky.social · 06/10/2025
#SaTotooLang, may mga benepisyong natatamasa sina lolo at lola sa lahat ng pampublikong transportasyon mula jeep hanggang eroplano! Para ito sa mas maayos, magaan, at ligtas nilang biyahe. 🚌✈️👵👴 @news.abs-cbn.com #ElderlyFilipinoWeek #ABSCBNFactCheck
000